top of page

Sinamantala ng NPA,Maasin PNP sa Iloilo Nilusob


Pagsasamantala sa kaunting puersa ng Philippine army sa Panay.

Ito ang reaction ni 3rd Infantry Division Commander ng Region 6, 7 at NIR Major Gen. John Aying sa paglusob ng New Peoples Army sa Police Station sa bayan ng Maasin Iloilo sa panayam ng radio Bnadera Philippines. Ayon kay Maj. Gen. Aying isinagawa ng mga rebelde ang naturang paglusob dahil ang mga tropa nga 82nd Infantry Batallion sa Miag-ao ay pinadala bilang dagdag puersa sa clearing operations sa Marawi City.

Ilang beses na nagbabala ang military sa mga police sa naturang bayan na maging alerto ngunit hindi nila ito seneryoso kayat nagging madali para sa mga NPA ang pumaasok at agawin ang kanilang mga armas.

Napag-alaman na mahigit sa pitumpo na mga miembro ng NPA ang lumusob sa Maasin PNP kahapon kung saan pinosasan at inagaw ang mga baril ng mga pulis na nakabantay doon at ginamit pa ang patrol car nang naturang bayan sa pagtakas ng mga rebelde patungo sa kalapit bayan ng Alimodian.


bottom of page