61st IB may reaction sa pahayag ng NPA sa Panay sa encounter sa Leon Iloilo
Hindi ako makipagdebate sa pahayag ng kanilang magaling na lider o spokeperson.
Ito ang diretsahang reaction ni Lt. Col. Sisenando Magbalot, Brigade Commander ng 61st IB sa pinalabas na press statement ng tagapamahayag ng Coronacion Waling-waling Chiva Command,NPA-Panay Region na si Ka Julio Montana na walang nangyaring encounter sa pagitan ng NPA at Militar kundi isa itong kaso ng misecounter sa army at cafgu dahil sa kakulangan ng koordinasyon.
Sa panayam ng Foro de los Pueblos ng Radyo Bandera Philippines, pinahayag ni Magbalot na ang mga tao na lang sa barangay kung saan naganap ang encounter ang tanungin dahil alam nila ang totoong nangyari.Ayon pa kay Magbalot na simula pa kahapon ang kanilang pagtugis sa mga NPA na nasagupa ng mga militar sa Barangay Lampaya, leon Iloilo.
Giniit pa ni magbalot na hindi kaagad na nakaalis ang mga rebelde matapus ma aberiya ang kanilang kinarnap na patol car. Sinabi din ng opisyal nga 61st IB na ang ilang barangay sa bayan ng Alimodian ay paborabli operasyon ng mga rebelde. Isang Cafgu na kinilalang si Romeo Cabalum ang tinamaan sa kaliwang leeg at tumagos ito sa kangyang kanang leog at hindi nakalabas ang bala. Patuloy ang paggamot sa biktima sa isang hospital sa Iloilo.
Napag-alaman na ang mga rebelde ay tumakas patungong Alimodian Iloilo matapus lusubin ang Maasin PNP noong nakaraang Linggo.