PDEA Agent nanlaban patay sa buy bust operation sa Sibalom Antique
Isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang patay sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Antique Central Provincial Drug Enforcement Unit at Sibalom PNP kahapon ng hapon.
Sa panayam ng Radyo Bandera Philippines, sinabi ni PSinsp. Clark Philip Dinco hepe ng Sibalom PNP at pinuno ng PDEU sa Central Antique na nabaril ng mga operatiba at napatay si PDEA Agent Macario Grasparil alyas "kayo" matapus na bumunot ng kanyang baril ng maramdaman nito na mga police ang bumili sa kanya ng shabu.Tinamaan si Grasparil sa dibdib at tiyan na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Isinagawa ang buy bust alas 415 ng hapon sa bahay ng suspect sa District 1 sa naturang bayan kung saan isang police poseur buyer ang positibong nakakuha ng droga kay Grasparil.
Ayon kay PSinsp. Dinco na matagal na nilang minamanmanan ang suspek sa bayan ng Sibalom at sa buong lalawigan ng Antique. Naninniwala naman ang mga operatiba na kumukuha ng supply sa grupo ni Ricky Privendido ang at nag recycle ng mga recoveries sa operation ng PDEA.Narecover sa crime scene ang suspected shabu, isang GLOC 40 at 357 na rebolber. Napagalaman na aktibo pa sa serbisyu si Grasparil at ito ay nakatalaga sa PDEA Aklan.