Binalaan ng pamilya si lumayno dahil sa banta sa kanyang buhay ngunit hindi ito nakinig.
Matagal ng binalaan nang pamilya na huwag nang madalas lumabas at pumunta sa hacienda si Norberto ”Bebe” Lumayno dahil sa mga death threats.
Ayon ky Ginang Eloisa Lumayno na madalas na niyang binabalaan ang asawa na mag ingat dahil may banta ang kanyang buhay.Dagdag pa ni Eloisa na ang alitan sa lupa ang siyang malaim na motibo kung bakit ito tinambangan sakay sa kanyang pick –up kasama ang kanyang bodyguard driver na si Danilo Braga.
Sa ngayon patuloy ang investigayon ng Calatrava PNp kung saan tinitingnan ang angulo na mga rebelde ang may kagagawan ng krimen o goons ng mga nakaalitan ng biktima sa Barngay Minapasok Calatrava, Negros Occidental.
Naganap ang pananambang noong Lunes ng umaga malapit sa Col Griffin national high School habang papunta sa Hacienda Rigor si Lumayno at Braga .