top of page

Opisyal sa Barangay Binaril Patay


Binaril habang nagpapahinga sa loob ng kanyang tahanan ang isang barangay kagawad sa bayan ng Murcia Negros Occidental.

Ang biktima ay kinilala na si brgy. Kagawad Celso Meñoso y Bernabe, 52 ng Hda. Wawa, Brgy. Sta. Rosa sa naturang bayan. Sa inbestigasyon ng Murcia Police lumalabas na mga alas 720 ng gabi pinasok ng apat na lalaki na may dalang baril ang bahay ni Meñoso at pinagbabaril ito sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan. Agad naman na tumakas ang mga salarin matapus ang pamamaril sakay sa dalawang motrosiklo.

Dali dali na dinala sa hospital ang biktima matapus ang insedente ngunit idineklara na dead on arrival sa Bacolod Adventist Medical Center ni Dr. Eriberto Go. Na recober naman sa eksena ng krimen ang apat na basyo ng .45 caliber pistol, dalawang basyo ng 9mm at isang slug ng kalibre 45 na baril.

Patuloy naman na inaalam ng Murcia pnp ang motibo sa naturang krimen.


Also Featured In

    Like what you read? Donate now and help me provide fresh news and analysis for my readers   

PayPal ButtonPayPal Button

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page