Napaiyak ang ama ng sundalong nasawi sa Marawi na tubong Antique
Hindi napigilan ni Ginoong Emilio Lorenzo na mapaiyak dahil sa pagkamatay nga kanyang anak na sundalo sa Marawi.
Sa panayam ng Radyo Bandera Philippines kay Tatay Emilio sinabi nitong isang mabait na bata , matulungin at mahal ng mga kapatid si Scout ranger Sgt. Chris lorenzo, Ayon pa sa matandang Lorenzo na ang anak nito ang tumutulong sa kanilang mga pangangailangan araw araw pati na sa kanyang mga pamangkin.
Hindi rin akalain ng kanyang pamilya na nang umuwi ito noong nakaraang May 28, 2017 ito na pala ang huling pagkakataon na masilayan nila ang kamag-anak na sundalo. Dagdag pa ni tatay Emilio na halos isang linggo pa lamang bumalik sa Marawi mula sa kanilang tahanan sa Brgy camansi, culasi Antique si Sgt. Lorenzo dahil umaalis lamang ito noong hunyo 19 ng umaga.