Taxi Operators sa Bacolod Umalma sa Grab Cars dahil Illegal ang Operation.
Nagreklamu ang mga kawani ng Associations of United Taxi Operators im Negros o AUTON dahil sa talamak na operasyon ng Grab Cars na walang franchise galing sa Land Transportation and Regulatory Board o LTFRB sa Lungsod ng Bacolod.
Dumulhog sa tanggapan ni Vice Mayor Elcid Famillaran ang mga kasapi ng Auton upang iparating ang naturang problema. Ayon sa AUTON dalawang uri ng Grab na sasakyan ang may operasyon sa Bacolod City isa dito ang Grab Taxi kung saan ginagamit ng naturang tanggapan sa kanilang operasyon gamit ang franchise, driver at sasakyan ng mga taxi operators. Ang isa pang sasakyan ay ang Grab Cars kung saan mga pribadong sasakyan na pinapahintulutan ng Grab na pumasada gamit ang kanilang aplikasyon sa cellphone na walang franchise, mayor's permit at maituturing na colorum o illegal ang operasyon.
Pinayuhan naman ng Bise alkalde ang AUTON na dumulog sa tanggapan ng Mayor sa lungsod ng Bacolod na si Atty. Evelio Leonardia Jr.Hindi man naka-usap ng grupo ang alkalde dahil wala ito sa kanyang tanggapan kahapon ng hapon ay maayos naman silang kinausap ng Kalihim ng alkalde na si Binibining Edwina Javier.
Sa nakuhang datus ng AUTON lumalabas na may mahigit sa 600 na Grab Cars o pribadong sasakyan ang pumapasada sa Bacolod City at 40 lamang ang may franchise.
Napag-alaman na nagkaroon ng pag-uusap noong nakaraang mga linggo ang Grab , AUTON at LTFRB Region 6 Director Richard Osmeña at doon diretsahang sinabi ng LTFRB sa Grab na colorum o illegal ang mga Grab Cars na walang Franchise.
Sa ngayon patuloy pa rin ang pagpasada ng mga pribadong sasakyan na Grab Cars kahit sinabihan na sila ng LTFRB na patigilin na ang mga ito.