top of page

Huwag pansinin at Walang alam sa Nangyayari ang mga NPA

Huwag pansinin dahil walang alam sa tunay na pangyayari sa bansa ang New People's Army o NPA ayon kay 3IDPA sa Region 6,7 and 8 commander Maj. Gen. Jon Aying.

Ito ang reaksyon ni Maj. Gen Aying sa pinalabas na press Statement ng Leonardo Panaligan Command sa Negros na nagpapahayag na walang binatbat ang army sa mga pag aatake ng rebelde.

Ayon pa kay Aying na alam ng taong bayan na mga bandido at terorista ang mga ginagawa ng NPA. Sinabi din ni Aying na tama lang ang Martial Law sa Mindanao dahil sa ginawang paghasik ng terorismo ng Maute sa Marawi City.

Sinabi din ng commander ng 3IDPA na pahayag lang iyon ng mga rebelde at palaging sila lamang ang tama.Nanawagan din si Aying sa taong bayan na huwag makinig sa kasinungalingan ng NPA at iwasan na magpalinlang sa propaganda ng mga rebelde sa halip sundin ang tamang pananampalataya at tamang kultura at ipagpatuloy ang pagtulungan para sa kapayapaan.


bottom of page