Kampanya sa illegal na Droga paigtingin Hamon ng Bacolod City Police Director
Hinamon ni Police SSupt. Jack Wanky,Hepe nga pulis sa Lungsod ng Bacolod ang 10 station commanders na paigtingin ang kampanya kontra sa illegal na droga.
Ito ang ipinahayag ni SSupt. Wanky sa panayam ng Radyo Bandera Philippines. Ayon kay Wanky na patuloy ang pagpasok ng droga sa lungsod kahit na patuloy ang kanilang operasyon. Ikinagulat ni Wanky na may malalaking volume pa ng shabu na pumapasok sa Bacolod City. Dagdag pa ng City Director na hinikayat nito ang mga Precinct commanders na palakasin ang kanilang intelligence networking upang matukoy ang mga couriers at pinagmulan ng droga.
Sinabi din ni Wanky na ang San Carlos City at Dumaguete City ang siyang nagsisilbing entry point ng mga illegal drugs at dahil sa mahina ang ipinatutupad na seguridad nakapuslit ito sa lungsod ng Bacolod.Plano din nito na magpapatawag ng meeting sa lahat ng law enforcement agency upang pag-usapan ang problemang ito.
Giniit din ni Wanky na maaring magsagawa ng operasyon sa labas ng lungsod ang mga pulis basta may koordinasyon lamang ito sa kanilang mga counterparts at maari ding humingi ng tulong sa Regional at provincial drug enforcement unit.
Humingi din ng kooperasyon sa taong bayan at media si SSupt. Wanky upang mapabilis ang pagkalap ng inpormasyon kung saan nanggagaling ang mga ito at sino ang nagdadala dito sa Negros Island Region.