Doc Samaritan at Radyo Bandera Bacolod nagbigay ng 100 Chairs sa Barangay Handumanan Bacolod City
Doc Samaritan at Xanthone Plus Broadcasting Services (Radyo Bandera 100.5 FM Bacolod City) nagbigay ng 100 na mga mono block chairs sa Barangay Council ng Barangay Handumanan Bacolod City.
Sa pangunguna ng Chief Executive Officer ng Doc Samaritan Alternative Medicine at Radyo Bandera Bacolod City, Doc Ramel Uy opisyal na ibinigay ang mga upuan kay Brgy. Kagawad Societo Baya na siyang officer of the day at kinatawan ni Punong Barangay Febe Legaspi ng naturang barangay. Ang naturang proyecto ay bahagi lamang ng corporate social responsibility o CSR ng Doc Samaritan.
Ayon kay Uy na isa lamang itong pagpasalamat sa Barangay Handumanan sa pagkakataon na ipinagkaloob sa kanyang klinika na makapagsagawa ng healtn information drive at medical mission noong nakaraang buwan ng Abril 2017.